'Si Ms. Uhugin may bf na. Yung
Kanji! Inlove pala sila sa isa't-isa.' natatawa na lang ako kapag
naaalala ko ang mga salitang yun. Nabasa ko na naman kasi yung mga message ni
kabarkada ko. Tagal ko ng walang balita sa mga yun.
It's been 3 years at ngayon wala na. Wala na
talaga akong koneksyon sa lahat ng mayroong kaugnayan sa 3 taong nakaraan.
Kahit
ang mga kabarkada ko, kinailangan kong kalimutan at iwasan.
From:
Jeanny
Hey James, sabay tayong magrecess
ah. Hihintayin kita sa classroom nyo.
Kanina
pa akong nakatingin sa cp ko na may mensaheng ganyan. Pipindutin ko ang reply
pero may magtetext na naman na bago. Kaya nakalimutan ko naring itext si Jeany.
Ang 5 months-real-gf ko.
From:
Maricar
Hottie boy, where are you?
From:
Yovert
Pre, asn k!? Magccmula n ang klac!
From:
mate ko_Rina
Mowning poh! Late na me.. dapat
bilixan pah ang paglalakad..
From:
Mariella
Huy! Asan ka! Sabay-sabay tayo
mamaya pag-uwi sabi ni Tita! Inuman tayo! wahah!
From:
Daniella
Morning Mr. James. Tatawagan kita
mamaya huh.
From:
0918**
elow? txt2?
Napanguso
ako, ang cp ko na wala pang 1 minuto eh may 7 messages agad. Ganyan kadami ang
natatanggap kong mensahe sa cp ko within 1 minute. Kaya pagnakakaisang oras
ako. Mga kulang kulang 100 messages ang nilalaman, bukod pa ang mga walang
kwenta gm.
Bakit
ba sikat na sikat sa Pilipinas ang texting?? Hindi naman yun ang point eh. Ang
mga bagong taong to sa buhay ko, hindi naman sila ganon magtatagal sa buhay ko
pero kung magparamdam sila akala mo wala ng bukas. At ang mangyayari sa huli...
isa lang ang rereplayan ko.
To:
Maricar
Sa rooftop. Punta ka!
At
wala pang 5 minutes, nandyan na sya.
"Skipping
class?" sabi nya sabay upo sa tabi ko.
Tumingin
ako sa mukha nya hanggang sa dibdib nya. Tss. Feeling nya naaakit ako sa asta
nyang yan. Ang laswa kaya nya. B!tch. 3rd year lang kami. Pero kung
makapagmake-up sya. Ang uniform nyang halos labas na ang cleavage ng dibdib
nya. Ang upo nya nakasoot lang naman sya ng mini skirt na halos makita ko na
ang panty nya. Tss.
"Umayos
ka nga ng upo." sumunod naman sya. At hinagis ko yung panyo ko sa dibdib
nya. Napailing na lamang sya.
Si
Maricar, sya ang 8 months na kafling ko dito sa school. Ginagawa niya lahat
para lang maging masaya ako. But take note, we don't sex. Nor kissing. Basta
kung anong gusto kong gawin ginagawa nya.
"Do
I look like your gf, Jeanny Madrigal?" she's raising her eyebrow. Hinigit
ko naman ang collar nya at inayos ang buhok nya. Actually naglugay sya, at
ngayon inipit ko uli.
"Alam
mong di ako inlove kay Jeanny." lumayo na ako sa kanya.
"So
what's the point?"
"You're
acting like that again. Na parang sinasabi mong handa kang maging kagaya nya.
Jeany-is-not-my-type." hinigit nyang bigla ang collar ko.
"Fvk
you. Eh kung ganon, bakit hindi pwede?" nagsisimula na naman siya.
"But
I like her." agad ko naman syang hinigit at itinulak sa may pader. Medyo
nasaktan sya. Lumapit ako sa mukha nya na medyo kinablush nya. "Just stay
with me." at humiga ako sa kanyang legs. At ipinikit ang mata ko. I'm
sleepy.
Di
pa man ako tuluyang nakakatulog. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi
sa pisngi ko. Nagulat ako pero di na lang ako umibo. She's being strange again.
But I’m aware with her feelings towards me.
"After
a school year, lilipat ka na naman ng bagong school.
I
really hate loving you, James."
Totoo.
Wala akong permanenteng school. At pagkatapos ng 3rd year. Sa ibang school na
naman ako papasok.







