1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Introduction

"James, Gusto kita!" mga bata pa kami nun. Siguro gagraduate na kami ng grade 6 nun. Nagulat ako nang bigla nyang nasabi to.

KaSub ko sya, hindi ko sya kaclose pero lagi ko syang inaasar gaya ng mga kabarkada ko. Oo... palagi ko syang napapansin. Pero...

"Pasensya ka na. Pero di kita type e. Ayoko sa mga uhuging kagaya mo." bigla na lang lumabas yan sa bibig ko. :-\

Masyado pa kaming mga bata nun, kaya di ko pa alam yung mga broken-hearted broken hearted na yan. Asaran lang. :P Lagi ko syang inaasar.
Pero...di ko alam, NASAKTAN KO PALA SYA NG SOBRA.

Kaya pala, dinededma na lang nya kami kapag inaasar namin sya. Kapag umeepal kami sa kanya at sa bestfriend nya. Yun pala, nasasaktan ko sya. Seryoso pala ang batang yun na crush niya ako. Nakakatawa siya! Pero gago ba ako o tanga. Bakit hindi ko man lang naisip ang feelings nya, gumagawa ako ng mga bagay na as if wala akong narinig tungkol sa feelings nya. Parang hindi ako lalaki kung umasta. Narealizeko yun nung umiiwas na siya.

Hanggang sa tuluyan na syang binalewala ng mga kabarkada ko. Kahit na masaya syang asarin dahil sa soot nyang salamin, weird niyang buhok, tapos iyakin pa sya at uhugin. Hindi sya maganda at matalino. Pero mabait sya.. oo, ang bait-bait nya.

Pero DI KO NAMAN SYA GUSTO..

"Aalis ka tol?"

"Oo e. Pupunta kami sa Paris. Magbabakasyon lang. Mga.. September na siguro ako makakabalik. Late comers sa school year!"

"Pasalubong tol huh!"

"Madaming bang masasarap na pagkain dun?" nagkatinginan kami at napatawa ng malakas. Haha! Si Oink-oink talaga. Puro pagkain na lang ang nasa isip. ;D

Mamaya pa, napatigil kami ng dumating si Kanji. Nakakalaro namin sya sa basketball, nakakausap, Pero di namin kabarkada. Ayaw nya. Kaya ayaw din namin sa kanya. Asar kaya yan! Mas gusto daw nyang kasama si miss uhugin. Akala nga namin bading e. Pero may itsura naman ang mokong. Parang bading. ;D Syempre mas gwapo ako. At ang mas nakakagulat... magkasama sila. Magkasama sila palagi ni miss uhugin.

"Pre!" sabay high-5 kay Kanji. Hindi naman ako makangiti ng gaya sa mga kabarkada ko dahil kay miss uhugin. Ngayon lang ako nakaranas ng pagkailang sa babaeng may gusto sakin. Madami kayang nagkakacrush sakin kahit sa school at kahit dito rin sa sub na’to. Pero bakit ganon ako kaapektado hindi naman sya ang unang babaeng nagkacrush sakin ah..

Nakikita ko si miss uhugin na pasulyap sulyap sakin. Medyo naiinis ako. Nandito ang mga magulang nila, pero kung makadikit sya kay Kanji, daig pa nila ang magsyota. Aalis na ako, pero ganyan pa rin siya.

"Argh! Mga tol, mamimiss ko kayo!" nagtawanan sila. Alam na kasi nilang joke. Remember bakasyon lang to.

"Uhm.." napatingin kami sa likod. Biglang kumirot ang dibdib ko. Ewan ko kung bakit!?

"Geh tol, una na kami. Tandaan mo, 15 mins. na lang at aalis ka na. Wag ka ng mag-abalang magpaalam samin huh!"

"Bwahahahaha!" mukhang kalokohan na naman to ah.

Tumingin naman ako sa kanya, at seryoso siyang nakatingin sakin na parang bang may nagawa akong kasalanan dahil paiyak na siya. gusto kong magreact kasi natatakot ako pag-umiyak siya, uhugin kasi siya di ko alam sa babaeng to kung bakit siya ganyan, hindi na nga siya ganon kaganda, tapos ang careless pa niya sa itsura niya.

"Anong gusto mong sabihin?" tumungo siya at nagsimula ng humikbi habang inaabot sakin ang isang maliit na teddy bear. At mukhang pinaglumaan niya yun. Tss.
Napagtanto ko naman na umiiyak na pala siya.

inabot ko muna ang teddy bear na inaabot niya sakin. pero nakayuko parin siya.

nahihiya ako habang ginagawa ang mga ganitong bagay. hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya, nagbabago na ako. bakit ang sakit sakit ng dibdib ko.

"Anong gagawin ko dito?" ang emosyonal naman ng babaeng to. yan ang ayaw ko sa kanya eh.. pero di naman ako naiinis.

unti unti kong kinapa ang bulsa ko.

"Iyo na lang yan, pwede bang ingatan mo yan.." humarap siya sakin. at nakikita ko na naman ang uhog niya sa may ilong niya. nakakadiri naman tong babaeng to.

kaya agad kong inabot sa kanya yung hanky ko.

"punasan mo nga yan.
salamat.." sabi ko naman dahil dun sa teddy bear niya. aalis na sana ako.

"wag ka ng umalis." napalingon ako sa kanya. dinig ko naman pero..

"Ano?!" umiiyak parin siya.. na may kasamang uhog.

"Bakit kailangan mo pang umalis? di ka ba masaya dito!?"

"Mali yata ang pagkakaalam mo..---"

"Gusto kita. GUSTONG GUSTO!" parang tumigil ang mundo ko ng marinig na naman ang mga salitang yun galing sa bibig niya.

kahit na may uhog yung ilong niya. na may soot siyang salamin. at nakaponytail siya. ang pangit talaga ng buhok niya. kahit na, parati siyang nahuhulog sa test na nababalitaan ko pa galing kay Jerik na tinatawanan naman namin. kahit na ipinagmamayabang siya ng mga teachers namin na ang hina hina daw ng ulo niya tapos ang iyak iyakin. Kahit palagi siyang napapahiya.
Napaka determinado naman niya.. na tinawatanan parin namin..


BAKIT..

bakit.. interesado parin ako sa kanya.

"please.."

humakbang ako.. na sana lalapit ako sa kanya..

KASO---




"JAMES EZEKIEL!!!! AALIS NA KAYOOO~" napatigil ako. at nagdecide na wag na lang siguro..


"salamat uli dito. sige bye!!!" may gusto akong gawin at sabihin pero hindi ko na lang ginawa. Hindi naman na siguro yun importante. Pati.. hindi ako sigurado.. kung yun nga ba talaga ang gusto kong sabihin sa kanya.



Bago ako tuluyan umalis. nakita ko pa siyang umiiyak.. iyak na iyak.. nakaupo na nga siya eh..
tapos dumating si Kanji, yung bestfriend niya at hinaplos ang buhok niya.


Ang WEIRD talaga ng pakiramdam ko.


Hindi ko akalain na habang nasa Paris ako, siya ang maiisip ko. Bumili pa nga ako ng mga pasalubong sa kanya eh.. Pang-asar lang! nag-eemail parin kami ng mga kabarkada ko. Minsan naitanong ko kay Jerik si miss uhugin. Mga kalokohan nila.


At parang may biglang kumirot sa puso ko ng mabasa ang huling mensahe niyang to:


Jerik_Wafu: Si Ms. Uhugin.. nagkabf na. Yung Kanji.. haha inlove pala sila sa isa't isa




Hindi ko alam kung matutuwa ako.. pero ang malaman na inlove siya kay Kanji. ISA YUNG MALAKING KASINUNGALINGAN. >:(
HTML Comment Box is loading comments...