"JAMES!!!"
may biglang lumabas sa harap ko na pumulupot naman sa braso ko.
"Jeanny."
ngiting ngiti sya. Madilim nga, pero kitang kita ko parin ang itsura nya.
Nakapink dress sya. Ang cute ni Jeanny ngayong gabi.
Nagtaka
na lamang ako ng bigla syang napatigil. Napatulala. Kinaway kaway ko ang isa
kong kamay. Hawak parin kasi nya ang isa kong braso. Ang nakita ko lang na reaction
nya ay ang pamumula ng mukha nya. Napansin ko dahil sa lapit ng mukha namin sa
isa’t isa.
"Ah-eh...hehe...uhm...pasensya
ka na. Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" hinand ko ang kamay ko sa
kanya. At agad naman nyang tinanggap yun. Nagcross ang mga fingers namin sa
isa’t isa. Ang init ng kamay nya. Tumingin ulit ako sa mukha nya.
"Jeany,
namumula ka oh. May lagnat ka ba?" hindi agad sya sumagot. Nakatitig pala
sya sakin. At napagtanto kong sobrang lapit na namin sa isa't-isa.
"Tara,
humanap na tayo ng mauupuan natin. Dun tayo kina Yovert at Ella." akala
nya siguro hahalikan ko sya. Pwes nagkakamali sya.
HINDING
HINDI KO YUN MAGAGAWA.
Matapos
ang mahabang habang introduction ng mga teachers. Na halos eh ikaantok ko.
Nagstart na ang iba't ibang love songs. Sa panimula, syempre yung date mo o
partner mo ang isasayaw mo. Kaya hinawakan ko ang kamay ni Jeanny at sumayaw
kami sa gitna gaya ng iba.
Nakahawak
ako sa baywang nya habang nakahawak sya sa balikat ko. Yung iba nga nakapalupot
sa mga leeg, pero hayaan na. Ganyan naman talaga si Jeanny. Sumayaw na lang
kami. Nakatingin lang ako kung saan nang makita ko si Maricar kung saan.
Hindi
ako pwedeng magkamali na sya yung babaeng nakablack dress. Hinanap muli ng mga
mata ko ang babaeng yun. Pero wala na...
"Nakikinig
ka ba James?" napatingin ako kay Jeanny.
"Sabi
ko, gusto ko, ako lang ang isasayaw mo." napalunok ako ng laway. At
tumango na lamang habang napapangiti.
Ang
boring. Matapos kasi naming sumayaw, nakaupo na lamang kami dito sa table ng
kami lang. Walang umiimik. Hindi ko naman sinasabing boring si Jeanny. Pero...
ang dami kong gustong gawin. Hindi lang talaga ako mapakali ng iisa ang
ginagawa.
"Gusto
mo bang magsayaw ng iba." napatigil ako sa kakapanood sa mga taong
nagsasayaw. Tumingin ako sa kanya.
"Diba
sabi mo, ikaw lang." namumula na naman sya. Hindi ko man gaano nakikita.
Pero halata naman. Ang labo talaga minsan ng mga babae.
"Kukuha
lang ako ng drinks para satin dalwa." pinanood ko lang syang umalis.
Napatingin
naman ako sa cp ko. 57 messages. Delete? Yes. Tss~ ngayon.. si Jeanny lang
dapat ang inaasikaso ko-- ah? Si Maricar? Hayun nga sya! Nag-iisa? Ang partner
nya?
"Tea?
Para di ka antukin!" ngiting ngiti sya. Ininom ko naman agad yun. Hindi
naman kasi masyadong mainit.
"Hmm..
naboboring ka ba?" dapat hindi, kasi kasama ko ang gf ko. "Anong
gusto mong gawin natin, para di tayo maboring." nagkatinginan kami sa
isa't-isa. Titig. At ngayon, mukha na syang kamatis.
Tss.
Ang mamalisyosa talaga ng mga babae. Natahimik lang kaming mga lalaki akala
nila agad kung ano ng iniisip namin.
"Mag-cCR
lang ako." pumunta nga akong Cr at nag-ayos ng sarili. Paglabas ko.
Biglang may naggrab ng suit ko.
"Ang
lamig. Isoot mo naman yan sakin oh." yung playgirl daw na taga section C.
Ano nga uling pangalan? Ay ewan. Maganda sya. Sexy.
Agad
kong hinubad ang coat ko at nagwalk-out. Habang papaalis..
"Kukunin
ko yan pagbalik ko."
"WAIT!
James--" may mga babae talaga na kung ano anu na lang hinihingi sa mga
lalaki. At pagnagawa naman naming mga lalaki, sari saring hirit ang di mo
maintindihan ang hihingin nila.
Napaupo
ako at napaleaned sa pader. Nakinig sa ipod ko. Chemical Romance.
"Hey.."
may nagpoke sa noo ko. As expected darating sya para sakin.
“Nakita
kita. Wala kang partner?" Umupo sya sa harap ko. Labas na naman ang
cleavage nya. Dapat sa kanya ko na lang binigay ang coat ko.
"Para
saan. Ikaw ang gusto kong makapartner. Pwede ba tayong sumayaw." hinalkan
nya ako sa pisngi.
"Hindi...
eh."
natawa sya.
"Bumalik
ka na dun. Isayaw mo ang gf mo. Over sa inlove sayo yun." tumayo naman
ako.
"I
don't think so." tinap ko ang ulo nya. Namula naman sya. I'm sorry
Maricar.
Binalikan
ko yung taga section C. Ngiting ngiti naman sya sakin. Hinawakan pa nya ang
dibdib ko, kaya agad ko namang kinuha sa likod nya ang coat ko. At nagwalk-out.
"James!
Ayaw mo bang maging memorable ang JS mo!" nilingon ko pa habang naglalakad
palayo.
"I
want.
...with
my girl." at bumalik na ako sa table namin. Agad kong hiningi ang kamay ni
Jeanny. Nilagay ko ang coat ko sa kanya habang magkayakap kaming nagsasayaw sa
gitna.
"James.
I love you." tiningnan nya ako habang nakahawak sya sa dibdib ko.
Nagulat
na lang ako ng bigla syang pumikit. :-\
Gusto
nyang halikan ko sya.
Pero...
Niyakap
ko lang sya.
"I'm
happy." sya ang pangatlo kong gf. My 3rd year gf. At gaya ng 1st at 2nd
year gf ko, walang nakakapansin sa kanilang tatlo. Na...
hindi
ako inlove sa kanila but still I like them. Kailanman hindi ako nag- I love you
-back. Pero... hindi ko sila pinaglalaruan.
Pinaghahandaan
ko lang ang sarili ko. Kapag, nalaman ko na ang totoo kong nararamdaman.







