Tiningnan
ko naman sya. At agad naman syang umiwas ng tingin. Ano bang problema ng
babaeng to? Kanina pa nya ako tinitingnan ah.
Tinuloy
ko ang pagpifill-up ng form. Hindi ko alam kung ano to, pero sabi ni Sharlein
kailangan ko daw fill-upan to. Since first time ko sa school na'to. At sya na
daw ang bahala sa lahat. Si Sharlein, este si Miss na inaasar-asar ako kanina
*nguso* Anak sya ng kaibigan ni Mama. Mga 5 taon lang naman ang tanda nya
sakin. Para sakin.. hindi sya ate. Kasi immature sya.
*blag*
Napalingon
ako sa pintong nagsarado ng pagkalakas.
"Tapos
na ako! Wah--" nagulat naman ako sa babaeng nakapanganglumababa. Ano bang problema
ng mga tao?
Tinaasan
ko sya ng kilay.
Hinawakan
nya ang buhok ko.
"Ano
ba!?" hinampas ko ang kamay nya. Inamoy naman nya ang kamay nya. Adik!
"Anong
shampoo mo! Bakit ang lambot ng buhok mo! Kalalaking tao mo. Ang ganda pa ng
style. Kanino ka nagpagupit!" tuwang tuwa nyang sabi. Haha~ sabi ko naman
sainyo e.
"Tumigil
ka nga." tumayo na ako. At sinoot ang bag ko.
"WOW!
Ang puti puti mo na James. Ang tangkad. Ang balinkinitan ng katawan."
nagulat ako sa biglaang pagtayo nya at paglapit sakin. "Patingin nga ng
abs mo!?" pilit nyang tinaas taas ang uniform ko. Kaya agad akong umiwas
at tumakbo palayo sa kanya?
"Alam
mo! Manyak ka talaga! Ganyan ka ba sa bf mo?" tumawa naman sya ng
nakakaloko.
"Dati
lang.. Hmm.. gwapo ka naman e. Pero bansot ka pa nun at payatot."
"Agh..
walang patutunguhan ang pag-uusap na'to. Aalis na ako. Saan ang classroom
ko?" may binigay syang dalwang bagay sakin.
Tiningnan
ko lang sya.
"Room
204. At itong bag, pakibigay na lang kay Sam." sinamaan ko sya ng tingin.
Pero mukhang napahanga pa sya.
"Magkaklase
kayo! Kaya wag kang aangal." tinulak nya ako palabas. At nagnakaw ng halik
sa pisngi ko.
"Magwapo
ka na! Ang BANGO mo pa!" gago! Makaalis na nga.
Mukhang
nagsisimula na ang klase. Maganda naman pala ang school nato. Kung siguro lang,
walang incident na nangyari sa Paris, baka dito ako pumapasok nung 1st year.
Namiss ko rin ang grupo. Kumusta na kaya sila? Dito kaya sila pumapasok?
"Ahh~"
napatingin ako sa babaeng napaupo. Nadapa sya dun sa may hagdanan.
Tumingin
naman sya sakin. At agad na nagpumilit na tumayo. Pero di nya nakaya. Kaya
lumapit ako.
"Heto.
Gamitin mo ang panyo ko. Dumudugo yung tuhod mo." at agad na akong umalis.
Agh.
Ang kecareless ng mga tao dito. Nasaan na ba yung room 204? Mukhang sa 2nd building
pa yun. Makatakbo na nga.
Ito
na nga yata. Ang ingay. Kumatok ako. Pero mukhang wala namang nakadinig. Kaya
binuksan ko na lamang. Pagbukas ko.
"AH!!!"
nagulat ako ng biglang may sumagi sakin. At ngayon nasa dibdib ko sya. Isang
babae.
At
lahat sila, napatingin sakin.
"Uhm.."
tiningnan nya ako ng hindi man lang lumalayo sakin.
At
nung makita ko na yung babaeng yun. Agad naman akong lumayo. Nakakapagtaka lang
ang biglaang pagtahimik ng buong paligid.
"James?"
nabasa niya siguro yung pangalan ko sa uniform. Sinenyasan ko na lang sya at
pumunta na ako dun sa vacant seat na katabi ng bintana.
"Sino
sya?"
"New
student?"
"Ang
lakas ng dating nya huh."
"Si
SIR!!!" napatingin ako sa tatlong babaeng nasa likod ko lang. Nakaupo sa
sahig. Nung mahuli nila akong nakatingin, agad akong umiwas.
Dumating
si Sir at pinakilala nya ako sa lahat. Nakakailang lang. Lahat sila nakatingin
sakin. At bawat galaw ko parang may mga matang nagmamasid.
Calling..
"Hm?"
sagot ko naman sa tawag ni Maricar.
"Sa
lugar na walang tao?" tumingin ako sa paligid.
"Ang
boring pagwala ka."
"Puntahan
kita."
"Shut
up."
"Ano,
may nabihag ka na naman ba?"
"Wala
akong gf. At wala akong balak." tumawa naman sya ng nakakaloko. Ang
babaeng talagang to.
"Wala
kang naitutulong, ibababa ko na'to."
"I
labyu!--"
tut..tut..
"Pasaway!"
"James."
napalingon ako sa babaeng tumawag sakin.







