Lumapit
sya sakin. Tiningnan ko lang sya mula paa hanggang ulo. Sino naman tong isang
to. Bakit nya ako kilala ?
"Uhm.
Gusto ko lang magpasalamat. Salamat dun sa panyo." ah. Yung tuhod nya.
"Heto.
Kung gusto mo, sayo muna ang panyo ko." napataas ang kilay ko.
"Hindi
na." tumayo ako.
"Saan
ka pupunta?" paano nalaman ng babaeng to na nandito ako? Tss.
"Basta."
tapos umalis na ako dun.
Agh!
Ang hirap naman nito. Kung wala akong gf. Hindi lang yun ang babaeng
mangungulit ng mangungulit sakin. Pero ayokong maggf. Ayoko na munang guluhin
ang isip ko. Agh! Nasaan na kaya ang mga kolokoy na yun.
"JAMES!"
napatingin na naman ako sa tumawag sakin ng pagkalakas lakas.
"Halika,
itotour kita sa campus." hinawakan nya ang kamay ko. Ito yung pres. diba?
Cool nya ah. Hatakin daw ba ako ng basta basta. Tss.. ngayon pa. Tinatamad ako.
"Kailangan
pa ba nyan."
"Ito
ang cafeteria namin na nasa 2nd floor. Mamaya na lang tayo sa ground floor.
Nandun ang canteen. May 7 section bawat year level. Ang ating mga seniors,
203-209. Na nasa 2nd building na pang 3rd floor. Tara dun naman tayo sa 3rd
floor nitong 1st building."
Tumakbo
naman sya. Agh! Ang hirap talagang maging transferee.
Sinundan
ko lang sya ng sinundan. At napagtanto kong napakalaki talaga ng school nila.
Hanggang sa tumigil na kami sa laboratory. Nasa baba to at nakahiwalay sa
building. At sobrang laki ng lab nila.
"Kadalasan,
pinagsasabay ang dalwang magkaibang level dito sa lab. Kaya may sarili tayong
lab partner." she winked. Maganda naman sya. Tss 8)
"25
student bawat section. So 50 ang tuturuan nila sa lab na'to. Gamit.. ang
microphone?" hinawakan ko yung microphone. Maliit lang sya. Lumapit naman
ako dun sa pres. at tumingin tingin sa iba't ibang skeleton.
"Ang
astig."
Napatingin
ako sa kanya. Nakatitig na naman sya sakin. Umupo naman ako.
"Ang
laki ng pinagbago mo." biglang tumibok ang puso ko. Sa unang pagkakataon.
Pero ang mga tingin na yun. Ito ang pangalwang pagkakataon.. na naamazed ako sa
mga tingin ng isang babae.
"Sabihin
mo.. kilala ba kita." Tanong ko sa kanya.
"James!"
tinawag niya ako.
thump.thump.thump.
Bakit
ganon. Pagtinatawag nya ang pangalan ko. Feeling ko, nandyan lang sya. Yung
batang yun. 4 years ago? :-\
"Sammie!"
oo. Si Mie!
"Wait
lang, James huh." pinanood ko lang syang lumabas. Pinakiramdam ko yung
pagtibok ng puso ko. 4 years na.. pero, hindi ko pa pala nakakalimutan ang
batang uhugin na yun. Ano bang meron sa batang pangit na uhugin na yun. Dahil
siguro hindi ko inaakalang magkakagusto sya sa salbaheng James na yun. Sakin..
"Uy!
Ms. Pres!" pumunta ako sa pinto. At--
Nakita
ko syang may kahawak kamay.
Hindi
na ako nagreact. Bf nya siguro. E anong nakakapagtaka. Maganda sya.
"James,
totoo bang ikaw na yan?" lumingon ako sa familiar na boses.
Ang
lalaking yun. Sh!t! Kilala ko siya..
"James,
naaalala mo na ba kung sino kami?" natulala ako sa tanong niya.
Pero
agad din akong nakabawi sa pagkakabigla.
"So
kayo na nga talaga? Tss! Akalin nyo makakabanggaan ko pa kayo.
Ang
uhugin at ang bakla." nagulat ako ng suntukin ako ni Mie sa dibdib. Ng
mahina lang. Este.. natulala pala ako.
"Ang
yabang nito. Porket sobrang gwapo mo talaga." natatawa niyang sabi. pero
tinusok ang mga mata ko.. nung makitang inakbayan ni Kanji si Mie.
Agh!
Bakit ba ako natatamaan ng ganito!
"Naglevel
up ka." sila na talaga. Ang laki kong hangal. Ano bang binalikan kong
alaala!
"eh
ikaw, level down. Glasses? Para saan?" maangas kong sabi kay Kanji. Asar
talaga..
"Ang
angas nito. Mahina ang pagtingin ni Kanji. Pero.. bumagay sa kanya,
diba!?" kung magdikitan sila sa isa't isa.
Sandali,
itong babaeng to. Ha! Di pa nga napapaliwanag yung tungkol sa confession nya
sakin. Tapos mababalitaan ko, naging sila ng shokoy na'to.
"Hamak
na mas bagay yan sakin." tinalikuran ko na sila.
"Wait
James!" bigla syang lumink sa braso ko. Natulala na naman ako. Putik! Ang
lakas ng tama ko!
Pero..
"Ingatan
mo sya para sakin, James huh." Ano itong nararamdaman ko.
Gago
ka Kanji. Wala kang karapatang sabihin yan sakin!







